Thursday, June 11, 2015
MAG-INGAT sa SLIMMING PILLS, DIET PILLS AT DIET TEA: May Posibleng Masamang Side Effects By Dr Willie Ong
Dear Dr. Ong, Tanong ko lang kung anong magandang gamot para sa nagpapapayat na katulad ko? Tama ba na mag-purga upang lumiit ang tiyan? Puwede ba ako uminom ng slimming pills? Kasi sinubukan ko na na mag-exercise pero walang epekto. Maraming salamat po. – Mina
Sa katotohanan ay wala pa talagang magandang gamot na naimbento para pumayat. May mga binebenta sa botika, pero panandalian lang ang epekto nito. Kapag hininto mo ang gamot, babalik ulit ang timbang mo.
Hindi rin maganda ang mga slimming pills o diet pills. Karamihan dito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May namamatay sa sobrang baba ng potassium.
Maraming masamang side effects ang mga slimming pills, tulad ng mga diet pills, Bangkok pills, at iba pa. Aatakihin ka ng high blood at nerbiyos kapag uminom nito.
Tungkol naman sa pampapurga. Ito ay binibigay lang kung may bulate sa tiyan. Kung wala ka namang bulate, bakit ka iinom nito?
Sabi mo ay walang epekto ang exercise. Oo, walang epekto ang ehersisyo kung babawi ka lang ng kain pagkatapos. Kailangan isabay ang diyeta at ehersisyo para pumayat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment