Thursday, June 11, 2015

Sobrang INIT ng Summer. Para hindi magkasakit, kumain ng PAKWAN! Masustansyang Pakwan (Part 1) Ni Dr. Willie T. Ong

Maraming doktor ang nasorpresa sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga sikreto ng pakwan. Alamin natin ang bisa nito: 1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. 2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat, nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan. 3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Andros o Viagra ang epekto ng pakwan. Wala pa itong masamang side effect. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot. 4. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser at pag-edad. Ang kamatis ay marami ding lycopene. 5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay may vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay makapag-papaiwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan. 6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer, umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito. 7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath. 8. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.

No comments:

Post a Comment