Friday, June 12, 2015

Do not be stressed or afraid. God will be with you.

Do not be stressed or afraid. God will be with you.

Read this before trying any Skin Peeling procedure.

Skin Peeling and Facial Dangers By Dr Willie Ong A chemical or skin peel can cause side effects: 1. Redness and Scarring - If the skin peel is too deep. 2. Dark skin color - A chemical peel can cause treated skin to become darker than normal. 3. Infection with bacterial or fungus. 4. Heart, kidney or liver damage. A deep chemical peel uses carbolic acid (phenol), may damage the heart muscle and cause the heart to beat irregularly. Tip: See a professional or dermatologist for safe skin treatment. Reference: Mayo Clinic Photo source: www.shutterstock.com

5 TIPS To Be Healthy:

How many of these can you do?

How To Cough Out Phlegm By Dr Willie Ong

Mucus from the lungs (also called phlegm) has the important function of trapping and removing unwanted substances from the airways. However, in chronic smokers and persons with lung disease, this cleaning function of the lungs becomes impaired. Hence, mucus accumulates in the lungs and becomes stickier and yellowish. This can make it difficult for the person to breathe. Here are some tips to better cough out phlegm: 1. Drink 8 to 10 glasses of water a day to make the phlegm less sticky and easier to cough out. 2. Take a mucolytic, such as carbocisteine or ambroxol capsules. These medicines act by changing the character of the phlegm. 3. Coughing is more effective when a person sits up straight and bends slightly forward. While coughing, you can support and place your elbows on the armrests. On the other hand, coughing is least effective when lying down. 4. Consider steam inhalation. Boil two cups of clean water and place them in a cooking pan or large bowl. Place a towel over your head and lean over the bowl to accumulate and inhale the steam. Another technique is to open the hot shower in your bathroom until steam is formed. Then breathe in the hot moisture in the air, which can help loosen the mucus in the lungs. 5. You can try the back clapping technique. Using your hands, form a triangular “cup” with your curved fingers and thumb. Then clap the person’s back gently so it will make a soft popping sound. Pat the upper and middle portion of the person’s back to help loosen sticky phlegm. 6. Just a warning: To protect yourself against back strain, try having small coughs instead of a single high-pressure cough. If you feel a sneeze coming, try to hold on to a chair, table or wall to support your back from the sudden rise in abdominal pressure. 7. Sleep with an extra pillow under your head. This will allow gravity to drain mucus from the nasal passages, if there are any. 8. Finally, see your doctor to find out what is causing your cough. If you are a smoker, then it is about time you quit smoking. Remember to keep your lungs clean and healthy, and you’ll breathe easier

Magkaroon Ng Kasama Sa Buhay (mabait na partner) By Dr Willie Ong

1. Ayon sa pag-aaral, mas masaya at mas mahaba ang buhay ng mga taong may kasama sa buhay. 2. Siguraduhin lang na mabait ang iyong partner at hindi magbibigay sa iyo ng sakit ng ulo. 3. Kung wala pang partner, may iba namang paraan para sumaya. Maging malapit sa kaibigan o kapamilya. 4. Siyempre, mag-dasal palagi at magtiwala sa Diyos. Siya ang gagabay sa buhay mo.

3 TIPS para sa Pamilya: By Dr Willie Ong

Lahat ng bagay, puwedeng makuha o magawa sa patas na pamamaraan. - Dr. Willie T. Ong

Thursday, June 11, 2015

MAG-INGAT sa SLIMMING PILLS, DIET PILLS AT DIET TEA: May Posibleng Masamang Side Effects By Dr Willie Ong

Dear Dr. Ong, Tanong ko lang kung anong magandang gamot para sa nagpapapayat na katulad ko? Tama ba na mag-purga upang lumiit ang tiyan? Puwede ba ako uminom ng slimming pills? Kasi sinubukan ko na na mag-exercise pero walang epekto. Maraming salamat po. – Mina Sa katotohanan ay wala pa talagang magandang gamot na naimbento para pumayat. May mga binebenta sa botika, pero panandalian lang ang epekto nito. Kapag hininto mo ang gamot, babalik ulit ang timbang mo. Hindi rin maganda ang mga slimming pills o diet pills. Karamihan dito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May namamatay sa sobrang baba ng potassium. Maraming masamang side effects ang mga slimming pills, tulad ng mga diet pills, Bangkok pills, at iba pa. Aatakihin ka ng high blood at nerbiyos kapag uminom nito. Tungkol naman sa pampapurga. Ito ay binibigay lang kung may bulate sa tiyan. Kung wala ka namang bulate, bakit ka iinom nito? Sabi mo ay walang epekto ang exercise. Oo, walang epekto ang ehersisyo kung babawi ka lang ng kain pagkatapos. Kailangan isabay ang diyeta at ehersisyo para pumayat.

Payo ni Doctor Willie Ong #33

Payo ni Doctor Willie Ong #35

Payo ni Doctor Willie Ong #35

Payo ni Doctor Willie Ong IWAS POLUSYON

IWAS POLUSYON - Puwede magsuot ng face mask. - Puwede mag-bakasyon sa probinsya. - Huwag manigarilyo - Kailangan mapigil ang smoke-belcher (mausok na sasakyan at bus) ng mga pulis.

POTATO CHIPS AT SITSIRYA: Masama Sa Kalusugan Mo By Dr Willie Ong

Noong teenager ako, MAHILIG ako sa potato chips. WALA kasi nagsabi sa akin na masama iyon. Ngayong doktor na ako, kailangan ko IPAALAM sa LAHAT na masama ang JUNK FOODS o SITSIRYA. Para hindi masira ang KATAWAN ninyo. Alamin ang MASAMANG Epekto nito: 1. Maraming Mantika at Sebo – Kapag hawakan mo itong chips ay nag-ma-mantika ang iyong kamay. Masama iyan sa puso mo at cholesterol. 2. Maalat at maraming asin – Nakakadulot ng High blood pressure ang sobrang asin. 3. May Vetsin o MSG – Masama ang vetsin sa katawan at sasakit pa ang iyong ulo. Nakaka-addict pa ang lasa ng vetsin. Para sa akin, kumain na lang ng prutas, gulay at isda. Iyan ang tunay na masustansyang pagkain para sa iyo. Kung hindi MAIWASAN, puwedeng BAWASAN na lang. Nakaka-addict kasi kapag naumpisahan na. TANONG: Kakain ka pa ba ng JUNK FOODS o SITSIRYA?

MILK TEA POISONING

Anong leksyon para sa atin? Tulad ng payo ko dati, kahit anong MATAMIS ay NAKATATABA. Mag-TUBIG na lang. LIGTAS ka pa. Lemon water puwede din.

BE FAITHFUL Paalala lang sa ating kababayan, dito at sa abroad. Kung nalilito kayo, IWAS na lang...

Sobrang INIT ng Summer. Para hindi magkasakit, kumain ng PAKWAN! Masustansyang Pakwan (Part 1) Ni Dr. Willie T. Ong

Maraming doktor ang nasorpresa sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga sikreto ng pakwan. Alamin natin ang bisa nito: 1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. 2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat, nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan. 3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Andros o Viagra ang epekto ng pakwan. Wala pa itong masamang side effect. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot. 4. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser at pag-edad. Ang kamatis ay marami ding lycopene. 5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay may vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay makapag-papaiwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan. 6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer, umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito. 7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath. 8. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.

Para Sa PILIPINO - Maging Healthy TAYO. Sundin Ang Pinggang Pinoy ng FNRI By Dr Willie Ong

Sa bawat kainan, hatiin mo ang iyong plato sa apat na parte. Heto ang mga tips: 1. Ang kalahati ng iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga Pinoy na halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, pechay, okra, broccoli at ampalaya. Ang pinakamasustansyang prutas naman ay ang mansanas, saging, peras, strawberry at dalandan. Limitahan lamang ang pagkain ng mangga at ubas dahil napakatamis nito. Sa bawat kainan, ang isang serving ng prutas ay katumbas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. Huwag sosobra dito. 2. Ang one-fourth ng plato ay para sa protina tulad ng isda, karne, beans at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baboy at baka na may taba. Tapyasin ang taba. Para makaiwas sa mantika, subukan ang mga inihaw na pagkain kumpara sa prito. Gaano karaming protina ang kailangan natin sa isang araw? Ayon sa mga eksperto, dapat ay 1 sukat lang ng baraha (o playing cards) ang laki sa bawat kainan. Kaya bawal na ang mga 16 ounce steak. Mataba iyan. 3. Ang natitirang one-fourth ng plato ay para sa carbohydrates tulad ng kanin o tinapay. Mas mababa sa calories ang kaning puti kumpara sa sinangag o fried rice. 4. Sa Healthy Plate, may dagdag pang 1 basong gatas o 1 tasa ng yogurt sa tabi ng plato. Piliin ang fat-free o low-fat na gatas. 5. Bawasan din ang iyong kinakain. Huwag magpakabusog. Umiwas sa mga “go large” at “supersize” sa fast-food. Kumain lang ng sapat para sa iyong katawan at timbang. 6. Uminom ng tubig at iwasan na ang mga matatamis na inumin. Ang isang basong iced tea o soft drinks ay may taglay ng 7 kutsaritang asukal. Para ka na rin kumain ng isang platong kanin. 7. Bawasan ang alat ng iyong kinakain. Maraming asin ang sangkap ng mga sopas sa sachet, de lata at instant noodles. Ang sobrang pagkain ng maaalat ay puwedeng magdulot ng high blood pressure at pagmamanas. Sundin ang payo ng healthy plate para maging malusog.

HEALING the SICK. Naniniwala ba kayo na may Anghel ? (gaya ng sabi sa Biblya)

HEALING the SICK. Naniniwala ba kayo na may Anghel ? (gaya ng sabi sa Biblya) I-Share kung may experience na natulungan kayo ng Diyos/Anghel sa problema mo. Personally, ako naniniwala na may Anghel sa langit at lupa na tumutulong sa atin.

SHARING your comments sa aking Post: Do you believe in Angels? Ano ang mga milagrong na-experience mo?

Comment 1: Yes. Naniniwala akong may angel. Noong na-hit ako ng motor sa kalsada at tumilapon ako, habang hinaharang ng mga tao yun nakabundol sa akin. Nakita ko yun isang lalaki na puting-puti ang suot. Papalapit sa akin. Inaabot nya ako ng dalawa nyang kamay at itinayo nya ako. Nanginginig ang pakiramdam ko. Noong nakatayo na ako bigla na lang nawala yun lalaking nakaputi. Laking gulat ko at wala akong galos kahit isa. - Ghie Yanzon Comment 2: Yes Doc, dahil naka experienced na po ako nung nagkasakit ako ng cancer, tatlong Anghel idinaan ako sa panaginip ko sabi sakin gagaling po ako. Sa awang Diyos buhay pa po ako 15 years passed as a Cancer Survivor 'Praise God' talaga Doc Willie. - Shea Janhiel Heart Smile SHARE this post with a friend. Spread the love from God and His angels.

ISDA: Masustansyang Pagkain Mula Sa Diyos

1. Kahit noong panahon ng Biblya ay isda na ang kinakain ng tao. Nagbigay si Jesus ng tinapay at isda sa libo-libong nakinig ng kanyang sermon. 2. May taglay na omega-3 fatty acids ang isda na makatutulong sa iyong puso at utak. Ang mga taong umaabot sa edad 100 ay mahilig kumain ng isda, mani, beans at gulay. 3. Mas masustanysa din ang protina ng isda kumpara sa baboy at baka.

PLEASE PRAY FOR NEPAL.

7.8 Strong Earthquake Hit Nepal Saturday. Deaths = 2000 plus Thousands are Missing. 90% of buildings collapsed. PRAY for the survivors. PRAY that this NEVER happens in the Philippines. Please help them Lord. AMEN.

Kung malaki ang problema mo, tingnan natin muna ang nangyari sa Nepal.

1. Tinamaan sila ng pinaka-malakas na lindol 7.8 magnitude. 2. Gumuho ang karamihan ng building at bahay nila. 3. Lampas 2,200 ang patay. Libu-Libo ang nawawala at hinahanap pa. 4. Sabi ng Geologist, binibilang lang ang panahon para mangyari din ito sa Pilipinas. Ang DASAL ko ay sana makahanap pa sila ng maraming survivors. At SANA huwag ito mangyari sa Pilipinas. Kung may problema tayo, siguro mas maliit ito kumpara sa Nepal. Mag-dasal muna tayo para sa Nepal.

DRY COUGH: ANONG DAHILAN?

MARAMING tao ang may dry cough na lampas na sa tatlong linggo. Heto ang mga pangkaraniwang pinagmumulan ng tuyong ubo: 1. Paninigarilyo – Ang sigarilyo pa rin ang pinakamadalas na dahilan ng matagalang pag-uubo. Huminto sa paninigarilyo at umiwas sa lugar na mausok. 2. Asthma cough-variant -- May isang klaseng hika na pag-uubo lang ang sintomas. Walang huni (or wheezing) ang maririnig sa baga. Ang kondisyong ito ay napapalala ng malamig na hangin, polusyon, usok, pabango at mga pollen (seeds) ng mga halaman. Para magamot ito, mga tableta at inhaler ang ibinibigay ng doktor. Umiwas sa mga bagay na nagpapalala ng hika. 3. Post-nasal drip mula sa allergies – Ito ang pagtulo ng sipon mula sa ilong patungo sa likod ng lalamunan. Dahil dito, kumakati at naiirita ang lalamunan at kailangan itong iubo. Maraming dahilan ang post-nasal drip tulad ng allergic rhinitis, chronic sinusitis at nasal polyp. Nagbibigay ang mga doktor ng mga tableta para sa allergy, mga nasal sprays at minsan ay antibiotics din. 4. Gastroesophageal reflux disease (GERD) – Ang sakit na ito ay dulot ng pag-akyat ng asido ng tiyan (stomach acid) mula sa tiyan pataas sa esophagus (ang daanan ng pagkain mula sa lalamunan patungo sa tiyan). Dahil sa asidong ito, naiirita ang esophagus at napapaubo ang pasyente. May gamot na ibinibigay para mabawasan ang asido sa tiyan. Bawal din ang biglang paghiga pagkatapos kumain. Tumayo muna at maglakad. Makatutulong din kung hindi tayo magpapakabusog at luwagan din ang sinturon para hindi maipit ang tiyan. 5. Side effects ng gamot – May mga gamot sa altapresyon tulad ng Ace-inhibitors na puwedeng magdulot ng pag-uubo sa 10% ng pasyente. Ito ay ang mga gamot na enalapril, captopril at lisinopril. Itanong muna sa doktor kung kailangang palitan ang iyong gamot. 6. Pulmonya o bronchitis – Siyempre, puwede rin magdulot ng pag-uubo ang mga impeksyon sa baga. Antibiotics ang gamot dito. 7. Post-infectious cough – Minsan, pagkatapos guma-ling mula sa trangkaso o viral infection, may naiiwan pa ring pag-uubo. Ito’y dahil naiirita o “nagsugat” ang baga sa dating impeksyon. Binibigyan sila ng cough suppressants. Bukod sa mga nabanggit kong sakit, mayroon ding ibang mga posibilidad tulad ng tuberculosis, kanser sa baga at iba pang mga sakit ng baga. Para makasiguro, kumunsulta sa iyong doktor.

Maging mapagkumbaba at mapagmahal.

Mensahe ni Doc Willie: KAILANGAN KO NANG MANINDIGAN PARA SA PILIPINO

Kaibigan, ang layunin ko po bilang doktor ay para makatulong sa kalusugan ninyo. 1. Ang makapagbigay ginhawa sa inyong nararamdaman sa mura at epektibong paraan. 2. At dahil alam kong naghihirap na ang Pilipino, ayoko kayong mapa-gastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Dahil dito, isinusulat ko ang totoo at makabubuti para sa bawat Pilipino. (Hindi ako nagpapa-apekto sa advertisements dahil alam ko kung ano ang tunay.) Sa internet man o sa TV, radyo at diyaryo, nais kong makapagbigay ng tamang kaalaman lalo na sa mga mahihirap at maysakit, na lampas 50% ng ating kababayan ay naghihirap. Kahit kailan, hindi ko inisip ang pansariling kita o interest sa aking mga payo at Health Advisories. 100% totoo lang. Inaaral ko maigi ang mga sakit at kung paano ito mapipigilan at malunasan. Sa tulong ng Diyos, naniniwala ako na may pupuntahan ang aking pagtulong at pagsisikap. Kung may 1, 100 o 10,000 akong matutulungang tao ay masaya na ako. Bakit ko ito ginagawa kung wala namang kita? Simple lang po. - Ang lahat ng ito ay aking munting alay sa Diyos na nagbibigay sa atin ng buhay. Iyan lang po ang nais ng puso ko. Nagmamahal. - Doc Willie Ong Photo: Salamat Dok Medical Mission. Mula 2007, libre na po ang lahat ng serbisyo ko para sa ating kababayan. Wala na akong sinisingil sa mga pasyente, mayaman man o mahirap.

Top 3 Sakit Ng Pilipino

May mga sakit na halos pangkaraniwan na sa mga Pilipino. Dahil napakarami ang apektado nito, dapat malaman natin ang pag-iwas sa mga sakit. 1. High Blood Pressure o Altapresyon. Kapag ang blood pressure niyo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood pressure o altapresyon ka na. Isa sa 4 na Pilipino ay may high blood pressure. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90. Heto ang mga tips: (1) Magbawas ng timbang; (2) Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong; at (3) Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Kapag palaging mataas sa 140/90 ang iyong blood pressure, kailangan mo nang uminom ng gamot. Kumonsulta sa doktor. 2. Diabetes. Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Kapag ang iyong blood sugar ay higit sa 126 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Umiwas sa dalawang bagay: Matataba at matatamis na pagkain. Mag-ehersisyo din ng regular at huwag magpataba. Depende sa taas ng iyong blood sugar, may mga mura at mabisang gamot sa diabetes, tulad ng Metformin at Gliclazide. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar at reseta ng doktor. Kung hindi mo mako-kontrol ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Masisira din ang ugat sa puso at utak. 3. Sakit Sa Kidneys (bato). Maraming Pilipino ang may sakit sa kidneys. Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangan mong bantayan ang iyong kidneys. Ang diabetes at high blood ay nakasisira sa kidneys. Bantayan at i-kontrol ang antas ng iyong blood sugar at blood pressure. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng tamang diyeta, ehersisyo at pag-inom ng maintenance na gamot. Huwag maghintay ng sintomas. Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi. Heto ang tips para alagaan ang kidneys: (1) Bawasan ang alat ng pagkain; (2) Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas; (3) Iwasan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot); (4) Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw. Tandaan: Ang regular na check-up sa doktor ay makatutulong sa iyong pagpapagaling. Good luck po.

Mensahe ni Doc Willie: PAANO NA ANG MAHIHIRAP?

PAANO NA ANG MAHIHIRAP? Kaibigan, pansin ninyo ba na puro 2016 na ang pinag-uusapan? Away dito at away doon. Nasaan na ang usapan para sa mga mahihirap na maysakit. Kailangan ng operahan at Walang Pera. Nasaan na ang maysakit sa usapang 2016? Nailista ko ang 3 responsibilidad ng Gobyerno sa mga tao. 1. Kaya ko nang tumulong sa number 1 at pagpapayo. 2. Kailangan palawakin pa ang bakuna hindi lang sa bata kundi sa matatanda. 3. Kulang pa ang libreng operasyon para sa mahihirap. Kailangan mai-focus ang kaban ng bayan para makaligtas ng mas MARAMING Pilipino. Ang MAHALAGA ay ang kapakanan ng mahihirap. Ngayon at hindi sa 2016 pa. Huwag unahin ang kampanya at pag-puwesto. Maraming Pilipino ang nangangailangan ng ating tulong. Like and SHARE kung Agree po. God bless at salamat. - Doc Willie Note: Pasensya na po sa kuwento. Hangad ko lang makagising ng ilang tao.

BAKIT NGA BA TUMATABA ANG ISANG TAO?

Sa aking pag-uusap sa mga kaibigan, nalaman ko na marami ang may maling paniniwala tungkol sa dahilan ng pagtaba o pagiging overweight. Tumataba tayo dahil SOBRA ang ating kinakain, at kulang ang ating ehersisyo. Dahil dito, nag-iipon ang taba sa ating katawan. Alamin po natin kung ano pa ang tunay at ano ang maling akala: 1. Bakit lumalaki ang aking bilbil? Sagot: Pag tayo ay nagkakaedad (lampas 30-40 years old), mas lumalaki ang bilbil dahil bumabagal ang ating metabolism (pag galaw ng organs ng katawan). Sa mga mas bata, kahit kumain sila ng marami ay hindi gaano tumataba dahil aktibo sila at mabilis pa ang kanilang metabolism. 2. Nakatataba ba ang pag-inom ng malamig na tubig? Hindi po. Hindi nakatataba ang tubig, malamig man o mainit. Walang calories ang tubig. Hindi tunay na nakalalaki iyan ng bilbil. Sa katunayan ay nakapapayat ang tubig. 3. May inumin ba na nakakapayat? Isa lang po ang nakakapayat. Ito ay ang tubig. Kaya umiwas sa lahat ng mga juices, iced tea at soft drinks. Nakatataba masyado ang mga juices tulad ng pineapple juice, energy drinks, at bottled teas. 4. Nakatataba ba ang pagtulog sa hapon? Hindi nakatataba ang tulog. Puwede matulog sa hapon o sa gabi. Ang nakatataba ay ang pagkain ng sobra. 5. Tanong: Lumaki ang aking bilbil pagkapanganak. Puwede ba ako mag-ehersisyo? Sa mga bagong panganak o bagong CS, magtanong muna sa inyong OB-gyne kung puwede na mag-ehersisyo. Kadalasan ay kailangang maghintay ng 6 linggo bago mag-umpisa ng magaan na ehersisyo (light exercise). 6. Puwede ba ang slimming tea o pills. Hindi po maganda ang pag-inom ng slimming tea o pills. Karamihan dito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May namamatay sa sobrang baba ng potassium. Puwedeng atakihin ng high blood at nerbiyos kapag uminom nito. 7. Puwede ba ako kumain ng prutas kahit gaano kadami? Hindi po. Limitahan din ang pagkain ng prutas. Hindi ninyo alam pero nakatataba ang mangga, ubas, abocado at pineapple. Limitahan din ang pineapple juice (140 calories ang isang baso.) May fructose ang prutas na nakatataas din ng blood sugar at nakatataba kapag nasobrahan. Sa bawat pagkain, isang pisngi lang ng mangga, o 10 na piraso ng ubas lang ang dapat. Ang mansanas at peras lang ang magandang pampapayat. Tandaan, tubig lang ang dapat inumin. Bawasan ang dami ng pagkain. At ituloy lang ang ehersisyo. Good luck po.

PAYO SA MAY INIS, GALIT AT PROBLEMA

Ni Dr Willie Ong (Please SHARE and TAG a friend) LAHAT ng tao ay may pagkakataong naiinis o nalulungkot sa buhay. Ganyan ang buhay. Minsan ika’y nasa itaas, minsan nasa ibaba. Bilang doktor, alam kong maraming galit, inis at hindi pagkakaintindihan ang nangyayari. 1. Pag-aralan mo ang sitwasyon maigi. May nagawa ka bang pagkakamali? Kung mayroon ay magpakumbaba ka at aminin ang iyong kasalanan. Sabihin ang totoo para mawala ang bigat sa iyong dibdib. 2. Pag-isipan ng mahinahon at walang halong galit ang mga paratang na binabato sa iyo. Tunay ba ito o hindi? Kung hindi tunay ay kalimutan mo na iyan. Huwag mo nang pansinin. 3. Sino ang nagsasalita laban sa iyo? Importante ba ang opinyon nitong tao? May galit ba siya sa iyo o gusto lang niya makatulong? Pakinggan mo lang ang mga payo ng mga nagmamalasakit sa iyo. 4. Irespeto ang mga taong nakasakit sa iyo. Piliting maging mabait pa rin. Sa ganitong paraan, hindi na lalaki ang away. 5. Humingi ng payo sa pamilya at mga matalik mong kaibigan. Pagkatapos ay timbangin ang kanilang payo sa iyo. 6. Huwag na huwag daanin sa init ng ulo. Pilitin gamitin ang tamang pag-iisip para maabot ang tamang desisyon. Kung galit ka pa, maghintay muna ng isang araw bago isipin muli ang isyu. 7. Tanungin ang sarili, “Masaya ba ako sa aking pagkalungkot o pagkainis?” May taong mahilig mag-self pity, kung saan kinaaawaan nila ang sarili. Hindi ito maganda. Iwaksi ito sa isipan. 8. Magpatawad. Kung may taong nakasakit sa iyo, ipasa-Diyos mo na lang. Hayaan mo na iba ang makaaway niya. Huwag mo na pansinin. 9. Mahirap ito pero ipagdasal ang mga nakasakit sa iyo. Hindi nangangahulugang kailangan mo silang mahalin. Irespe­to mo lang. Gawin mo pa rin ang proyekto mo, at hayaan mong gawin niya ang trabaho niya. 10. Ipasa mo ang iyong problema sa Diyos. Tutu­lungan ka ng Diyos na pa­sanin ang mga dinadamdam mo. Maya-maya, hindi mo namalayan ay gu­magaan na ang iyong pakiramdam. Magiging masaya at matagumpay ka na muli! Good luck po.

TIPS para Humaba ang Buhay !

"Happy Birthday" kay Jeralean Talley, ang pinakamatandang tao sa buong mundo. 116 years old siya noong sabado. Ang birthday niya ay May 23, 1899 Heto ang tips niiya: - Di naninigarilyo - Mabait sa kapwa - Konti lang kumain - Payat ang at hindi mataba.

BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG PAHIHILAMOS NG MUKHA?

Payo ni Dr Willie Ong (Like & Share) 1. Kailangan maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Para malinis at gumanda at balat. 2. Hindi po tunay ang kasabihan na masama maghilamos. Maraming naiipon na dumi, muta at bacteria sa mukha. Napaka-oily din ng mukha sa umaga. 3. Kapag hindi tayo maghihilamos ng mukha, puwede magkaroon ng pimples, kuliti (impeksyon sa mata), at pamumula ng mata. 4. Ang pag-dami ng MUTA ay isang senyales na maraming mikrobyo na ang iyong mata. Maghilamos na. Tandaan: Maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Puwede po maghilamos kahit puyat, galing sa trabaho (paggamit ng computer, cellphone, gadget), walang tulog o bagong gising. Puwede magpahinga ng 5 minutes kung gusto, pero kailangan maghilamos pa rin. Walang koneksyon ang paghilamos ng mata sa paningin. Sa katunayan, mas lilinaw ang iyong paningin kapag natanggal ang muta at dumi sa mata. Take care po.

Malaki ang Tiyan o Bilbil: Anong Gagawin?

Malaki ang Tiyan o Bilbil: Anong Gagawin? Ni Dr Willie T. Ong (Share and TAG a friend) Heto ang ilang payo para lumiit ang bilbil: 1. Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain. 2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na. 3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin. 4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain. 5. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada lingo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras. 6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches. (nasa photo) 7. Magkaroon ng tamang tindig (posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo. 8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag sa laki ng bilbil. 9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pag dating ng tanghalian at mapaparami ang iyong makakain. 10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil. 11. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan. 12. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain. 13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan. 14. Bawasan ang stress at matulog ng sapat. 15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil. Good luck po. Para sa dagdag tips, Paki-LIKE page ni - Dr Liza Ong Sagot sa Tanong: 1. Hindi nakatataba ang tubig, malamig man o mainit. Zero calories ang tubig. Hindi tunay na nakalalaki iyan ng bilbil. 2. Pag tayo ay nagkakaedad (lampas 30-40 years old), mas lumalaki talaga ang bilbil dahil bumabagal ang ating metabolism. Sa mga mas bata, kahit kumain sila ng marami ay hindi gaano tumataba dahil mas aktibo sila at mabilis pa ang kanilang metabolism. 3. Hindi nakatataba ang tulog. Puwede matulog sa hapon o sa gabi. Ang nakatataba ay ang pagkain ng sobra. 4. Sa mga bagong panganak o bagong CS, magtanong muna sa inyong OB-gyne kung puwede na kayo mag exercise. Ang OB-gyne po magsasabi kung matibay na ang tahi ng CS.

HEALTH TIPS ng mga edad 100 pataas.

By Dr Willie T. Ong May isang lugar sa Okinawa, Japan kung saan mas marami ang taong humahaba ang buhay. Sinuri ito ng mga eksperto para malaman ang sikreto nila. Heto ang tips: • Maging malapit sa pamilya at kaibigan – Ayon sa isang survey ng mga taong edad 100 pataas, ang pangunahing payo nila ay maging malapit sa ating pamilya at mga kaibigan. Ang pagiging close sa iyong kamag-anak ay may positibong epekto sa iyong kaligayahan. Kung wala kang pamilya, puwede kang sumama sa isang kaibigan o mag-alaga ng aso. Iba pa rin ang may kausap at may kasama sa araw-araw. • Laging gamitin ang utak para hindi ito pumurol - Ayon sa pagsusuri sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong mahilig magbasa, mag-aral at sumagot ng crossword puzzles ay mas tumatalino. Puwede din ang chess, dama, Sudoku at iba pang puzzles. Tandaan: Gamitin ang utak para tumalino. • Maging masiyahin at palatawa – Kung kayo ay may pino-problema sa buhay, puwede ninyong mapagaan ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng masasayang alaala. Manood kayo ng masasaya at nakakatawang palabas. Sumama sa mga kaibigan mong palatawa at masiyahin. Ang pagtawa ay nagbibigay ng saya at sigla sa atin. May mga endorphins na inilalabas ang katawan kapag tayo’y masaya. Lumalakas ang ating immune system.

Tips Sa Buntis at Sa Hindi Makabuntis

Ni Dr. Willie T. Ong (Share and TAG a friend) Para sa Buntis: 1. Kailangan ng buntis ang 4 na sangkap sa katawan: calcium, iron, folic acid at protina. Kaya uminom ng 4 na basong gatas (low-fat milk) bawat araw. Kumain ng itlog, karne at atay para makakuha ng protina. Kumain din ng maberdeng gulay na mataas sa folic acid tulad ng kangkong, petsay, malunggay at talbos ng kamote. 2. Umiwas sa masyadong matatamis at baka kayo magka-diabetes. 3. Panatilihin ang tamang timbang. Masama ang sobrang taba at masama din ang payat na kulang sa sustansya. 4. Bawal manigarilyo at uminom ng alak. Kung hindi kayo titigil, puwedeng maging abnormal ang iyong beybi. Huwag nang tumikim ng alak. 5. Magbawas ng stress at problema. Maraming buntis ang nalulungkot kapag nakapanganak na. Ito ang tinatawag na post-partum depression. Kailangan ang pag-alaga at suporta ng lalaki para malampasan ito ng babae. 6. Huwag uminom basta-basta ng gamot dahil baka makasama ito sa bata. Magtanong muna at magpa-check up sa iyong OB na doktor. Multivitamins lang ang safe inumin. 7. Sa kababaihan, mas maigi na magbuntis kayo bago umabot ng edad 35. Kapag lampas na sa 35, tumataas na ang tsansa na magkakaroon ng Down’s syndrome (mongoloid) at iba pang sakit ang bata. Mag-ingat po. Para sa Lalaking Hindi Makabuntis: May mga payo ako para mapanatili ang dami at sigla ng semilya (sperm count) ng mga kalalakihan. 1. Huwag painitan ang iyong scrotum (itlog o bayag). Sa bayag nakatago ang se­milya ng lalaki. Kapag nainitan ito, puwedeng mamatay ang semilya. 2. Kapag ika’y jeepney driver, lagyan ng makapal na kutson ang iyong upuan. Mag-ingat sa init ng makina at baka maluto ang iyong semilya. 3. Umiwas din sa ma­tagalang pagbibisikleta. Puwede rin kayo mabaog dahil laging naiipit ang iyong bayag. 4. Huwag magsuot ng masisikip na briefs. Para laging presko, mag-boxer shorts na lang. 5. Kumain ng keso. Ang keso ay may taglay na zinc na kailangan ng semilya. Nagpapalakas din ito ng sex drive. 6. Maghintay ng tatlo o mas marami pang araw bago makipag-sex. Kailangan kasi munang makagawa nang maraming semilya ang katawan para malaki ang tsansang makabuntis ka. Good luck po.

Sakit Sa Stress: NERBIYOS at ULCER (Share and TAG a friend)

By Dr Willie Ong 1. Nerbiyos o hyperventilation syndrome – Mara­ming babae ang inaatake ng nerbiyos. Sila’y nakararamdam ng hirap sa paghinga, pamamanhid ng kamay, paa at labi. Minsan ay nahihilo sila, at lumalakas ang pintig ng puso. Kung kayo ay nakararanas nito, huwag matakot dahil nerbiyos lang iyan. - Umupo sa tabi - Huminga ng mabagal at malalim - Uminom ng tubig - Kumain ng 1 saging, pampa-relax. - Magdasal at tutulungan ka ng Diyos. 2. Ulcer o pangangasim ng sikmura – Huwag magpakagutom. Kumain nang madalas sa isang araw pero kaunti lang. Small, frequent meals. Ang pag-inom ng tubig ng pakonti-konti sa buong araw ay maka­babawas ng asido sa sikmura. Magbaon din ng saging o tinapay para hindi sumakit ang tiyan. Umiwas sa pagkaing nakaka-ulcer tulad ng sili, orange, pineapple, calamansi, lemon, suka at mga sitsirya.

How To Cough Out Phlegm

How To Cough Out Phlegm By Dr Willie Ong Mucus from the lungs (also called phlegm) has the important function of trapping and removing unwanted substances from the airways. However, in chronic smokers and persons with lung disease, this cleaning function of the lungs becomes impaired. Hence, mucus accumulates in the lungs and becomes stickier and yellowish. This can make it difficult for the person to breathe. Here are some tips to better cough out phlegm: 1. Drink 8 to 10 glasses of water a day to make the phlegm less sticky and easier to cough out. 2. Take a mucolytic, such as carbocisteine or ambroxol capsules. These medicines act by changing the character of the phlegm. 3. Coughing is more effective when a person sits up straight and bends slightly forward. While coughing, you can support and place your elbows on the armrests. On the other hand, coughing is least effective when lying down. 4. Consider steam inhalation. Boil two cups of clean water and place them in a cooking pan or large bowl. Place a towel over your head and lean over the bowl to accumulate and inhale the steam. Another technique is to open the hot shower in your bathroom until steam is formed. Then breathe in the hot moisture in the air, which can help loosen the mucus in the lungs. 5. You can try the back clapping technique. Using your hands, form a triangular “cup” with your curved fingers and thumb. Then clap the person’s back gently so it will make a soft popping sound. Pat the upper and middle portion of the person’s back to help loosen sticky phlegm. 6. Just a warning: To protect yourself against back strain, try having small coughs instead of a single high-pressure cough. If you feel a sneeze coming, try to hold on to a chair, table or wall to support your back from the sudden rise in abdominal pressure. 7. Sleep with an extra pillow under your head. This will allow gravity to drain mucus from the nasal passages, if there are any. 8. Finally, see your doctor to find out what is causing your cough. If you are a smoker, then it is about time you quit smoking. Remember to keep your lungs clean and healthy, and you’ll breathe easier