Thursday, June 11, 2015

HEALTH TIPS ng mga edad 100 pataas.

By Dr Willie T. Ong May isang lugar sa Okinawa, Japan kung saan mas marami ang taong humahaba ang buhay. Sinuri ito ng mga eksperto para malaman ang sikreto nila. Heto ang tips: • Maging malapit sa pamilya at kaibigan – Ayon sa isang survey ng mga taong edad 100 pataas, ang pangunahing payo nila ay maging malapit sa ating pamilya at mga kaibigan. Ang pagiging close sa iyong kamag-anak ay may positibong epekto sa iyong kaligayahan. Kung wala kang pamilya, puwede kang sumama sa isang kaibigan o mag-alaga ng aso. Iba pa rin ang may kausap at may kasama sa araw-araw. • Laging gamitin ang utak para hindi ito pumurol - Ayon sa pagsusuri sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong mahilig magbasa, mag-aral at sumagot ng crossword puzzles ay mas tumatalino. Puwede din ang chess, dama, Sudoku at iba pang puzzles. Tandaan: Gamitin ang utak para tumalino. • Maging masiyahin at palatawa – Kung kayo ay may pino-problema sa buhay, puwede ninyong mapagaan ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng masasayang alaala. Manood kayo ng masasaya at nakakatawang palabas. Sumama sa mga kaibigan mong palatawa at masiyahin. Ang pagtawa ay nagbibigay ng saya at sigla sa atin. May mga endorphins na inilalabas ang katawan kapag tayo’y masaya. Lumalakas ang ating immune system.

No comments:

Post a Comment