Thursday, June 11, 2015
Top 3 Sakit Ng Pilipino
May mga sakit na halos pangkaraniwan na sa mga Pilipino. Dahil napakarami ang apektado nito, dapat malaman natin ang pag-iwas sa mga sakit.
1. High Blood Pressure o Altapresyon.
Kapag ang blood pressure niyo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood pressure o altapresyon ka na. Isa sa 4 na Pilipino ay may high blood pressure. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90.
Heto ang mga tips: (1) Magbawas ng timbang; (2) Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong; at (3) Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Kapag palaging mataas sa 140/90 ang iyong blood pressure, kailangan mo nang uminom ng gamot. Kumonsulta sa doktor.
2. Diabetes.
Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Kapag ang iyong blood sugar ay higit sa 126 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na.
Umiwas sa dalawang bagay: Matataba at matatamis na pagkain. Mag-ehersisyo din ng regular at huwag magpataba.
Depende sa taas ng iyong blood sugar, may mga mura at mabisang gamot sa diabetes, tulad ng Metformin at Gliclazide. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar at reseta ng doktor.
Kung hindi mo mako-kontrol ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Masisira din ang ugat sa puso at utak.
3. Sakit Sa Kidneys (bato).
Maraming Pilipino ang may sakit sa kidneys. Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangan mong bantayan ang iyong kidneys.
Ang diabetes at high blood ay nakasisira sa kidneys. Bantayan at i-kontrol ang antas ng iyong blood sugar at blood pressure. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng tamang diyeta, ehersisyo at pag-inom ng maintenance na gamot.
Huwag maghintay ng sintomas. Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi.
Heto ang tips para alagaan ang kidneys: (1) Bawasan ang alat ng pagkain; (2) Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas; (3) Iwasan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot); (4) Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.
Tandaan: Ang regular na check-up sa doktor ay makatutulong sa iyong pagpapagaling. Good luck po.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment