Thursday, June 11, 2015

Malaki ang Tiyan o Bilbil: Anong Gagawin?

Malaki ang Tiyan o Bilbil: Anong Gagawin? Ni Dr Willie T. Ong (Share and TAG a friend) Heto ang ilang payo para lumiit ang bilbil: 1. Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain. 2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na. 3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin. 4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain. 5. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada lingo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras. 6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches. (nasa photo) 7. Magkaroon ng tamang tindig (posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo. 8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag sa laki ng bilbil. 9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pag dating ng tanghalian at mapaparami ang iyong makakain. 10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil. 11. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan. 12. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain. 13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan. 14. Bawasan ang stress at matulog ng sapat. 15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil. Good luck po. Para sa dagdag tips, Paki-LIKE page ni - Dr Liza Ong Sagot sa Tanong: 1. Hindi nakatataba ang tubig, malamig man o mainit. Zero calories ang tubig. Hindi tunay na nakalalaki iyan ng bilbil. 2. Pag tayo ay nagkakaedad (lampas 30-40 years old), mas lumalaki talaga ang bilbil dahil bumabagal ang ating metabolism. Sa mga mas bata, kahit kumain sila ng marami ay hindi gaano tumataba dahil mas aktibo sila at mabilis pa ang kanilang metabolism. 3. Hindi nakatataba ang tulog. Puwede matulog sa hapon o sa gabi. Ang nakatataba ay ang pagkain ng sobra. 4. Sa mga bagong panganak o bagong CS, magtanong muna sa inyong OB-gyne kung puwede na kayo mag exercise. Ang OB-gyne po magsasabi kung matibay na ang tahi ng CS.

1 comment:

  1. Nakakataba po ba ang mga biscuits like hansel cracker?

    ReplyDelete