Thursday, June 11, 2015
Para Sa PILIPINO - Maging Healthy TAYO. Sundin Ang Pinggang Pinoy ng FNRI By Dr Willie Ong
Sa bawat kainan, hatiin mo ang iyong plato sa apat na parte. Heto ang mga tips:
1. Ang kalahati ng iyong plato ay dapat nakalaan sa gulay at prutas. Hindi tulad nating mga Pinoy na halos buong plato ay puro kanin. Mali po iyan. Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, pechay, okra, broccoli at ampalaya.
Ang pinakamasustansyang prutas naman ay ang mansanas, saging, peras, strawberry at dalandan. Limitahan lamang ang pagkain ng mangga at ubas dahil napakatamis nito. Sa bawat kainan, ang isang serving ng prutas ay katumbas lamang ng isang pisngi ng mangga o 10 pirasong ubas. Huwag sosobra dito.
2. Ang one-fourth ng plato ay para sa protina tulad ng isda, karne, beans at tokwa. Umiwas sa pagkain ng karneng baboy at baka na may taba. Tapyasin ang taba. Para makaiwas sa mantika, subukan ang mga inihaw na pagkain kumpara sa prito.
Gaano karaming protina ang kailangan natin sa isang araw? Ayon sa mga eksperto, dapat ay 1 sukat lang ng baraha (o playing cards) ang laki sa bawat kainan. Kaya bawal na ang mga 16 ounce steak. Mataba iyan.
3. Ang natitirang one-fourth ng plato ay para sa carbohydrates tulad ng kanin o tinapay. Mas mababa sa calories ang kaning puti kumpara sa sinangag o fried rice.
4. Sa Healthy Plate, may dagdag pang 1 basong gatas o 1 tasa ng yogurt sa tabi ng plato. Piliin ang fat-free o low-fat na gatas.
5. Bawasan din ang iyong kinakain. Huwag magpakabusog. Umiwas sa mga “go large” at “supersize” sa fast-food. Kumain lang ng sapat para sa iyong katawan at timbang.
6. Uminom ng tubig at iwasan na ang mga matatamis na inumin. Ang isang basong iced tea o soft drinks ay may taglay ng 7 kutsaritang asukal. Para ka na rin kumain ng isang platong kanin.
7. Bawasan ang alat ng iyong kinakain. Maraming asin ang sangkap ng mga sopas sa sachet, de lata at instant noodles. Ang sobrang pagkain ng maaalat ay puwedeng magdulot ng high blood pressure at pagmamanas. Sundin ang payo ng healthy plate para maging malusog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment