Thursday, June 11, 2015
POTATO CHIPS AT SITSIRYA: Masama Sa Kalusugan Mo By Dr Willie Ong
Noong teenager ako, MAHILIG ako sa potato chips. WALA kasi nagsabi sa akin na masama iyon. Ngayong doktor na ako, kailangan ko IPAALAM sa LAHAT na masama ang JUNK FOODS o SITSIRYA. Para hindi masira ang KATAWAN ninyo.
Alamin ang MASAMANG Epekto nito:
1. Maraming Mantika at Sebo – Kapag hawakan mo itong chips ay nag-ma-mantika ang iyong kamay. Masama iyan sa puso mo at cholesterol.
2. Maalat at maraming asin – Nakakadulot ng High blood pressure ang sobrang asin.
3. May Vetsin o MSG – Masama ang vetsin sa katawan at sasakit pa ang iyong ulo. Nakaka-addict pa ang lasa ng vetsin.
Para sa akin, kumain na lang ng prutas, gulay at isda. Iyan ang tunay na masustansyang pagkain para sa iyo.
Kung hindi MAIWASAN, puwedeng BAWASAN na lang. Nakaka-addict kasi kapag naumpisahan na.
TANONG: Kakain ka pa ba ng JUNK FOODS o SITSIRYA?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment